Bakit di mawala-wala ang salitang tanga pag nagmamahal ka? Ganun ba talaga? Kaylangan mo magpaka-tanga para marealize mo na mahal mo siya? O para marealize mo na hindi ka niya mahal? Bakit ganun? Bakit mahirap? Pwede namang madali di ba? Sana madali na lang ang hirap kase eh. Sana hindi na lang ganito para hindi ganun kahirap. Oo masyado ng emo, pero ganun talaga pag nagmamahal. Ang hirap pigilin pag puso na ang gustong magsalita. Kahit nga magka-amnesia ka hindi pa din siguro yun mawawala kase nasa puso hindi naman sa utak eh (My Amnesia Girl). Sana malaman niya ang nararamdaman ng taong naasa, sana maramdaman niya din yun. Bakit nga ba umaasa ang tao kung sa isang tingin pa lang, wala na talagang pag-asa? Siguro nga diba di naman masamang mag-think positive at huwag umayaw? Minsan lakasan lang talaga ng loob kaya minsan din nagmumukha kang tanga. Nakakapagod din kaya ung ganun, ung para bang kahit anong gawin mo wala namang mangyayari, at wala talagang nangyayari. Nakakapagod. Nakakasawa. Pero di ka pa din naman tumigil ng kakaasa. Bakit nga ba hindi pwede? Ang hirap naman oh. Sometimes, I just tell myself that it will come in God’s time, that everything will turn out just right. Haaaay. Kelan kaya ang God’s time? Kelan kaya ang turning-out-just-at the right time? Matagal pa ba? O konting tumbling na lang. Bakit kasi siya pa (Paano na Kaya), pwede namang hinde. Ang corny talaga pag love na ang pinag-uusapan pero yun ang totoo. So bakit mo pa kaylangan basahin kung corny nga? Nangaway? hahaha. BUT I still believe In God's right time!